your lies for all the world to see

Isa akong sociopath..lahat ng gawin tama..walang maliLetche -mali..walang pakielam sa sasabihin ng mga taong makikitid ang utak..masaya..no holds barred..push to the limits..maraming nasasagasaan..wala pa rin pakielam..ewan ko ba..simula ng makilala kita..natutuhan ko na ang buhay na ganito..dahil dito ko lang makikita ang hinahanap ko..minahal kita sa paraan ng isang sociopath..san ako nauwi..walang ibang masisi kundi sarili..kung bakit nagpatihulog sa banging walang katiyakan ang lalim..kung kakayanin ba ang hapdi ng mga sugat na dadalhin sa aking pagkalugmok sa alkitrang putik na aking babagsakan..at kung maghilom ang mga sugat ay maitatago pa ba sa mundong may malikot na isip..na minsan nalason ako ng bawal na pag-ibig..at ang ako na nakikita nyo ngayon ay ang paggaling ng mga peklat ng pagiging isang sociopath.

Ang halik na iyon..dala ng banal na espiritu ng alak at matinding pagkalunod sa iyong matamis na ngiti..sa likod ng mga bumbilyang pinawalang-ningning na aking mga daliri ay ang nag-aalab na eksena na parang tele-nobela..nagsimulang uminit ang nagbabaga nang damdamin..hindi napigilan maging ng konsensya ang tawag ng pagkakataon..sa pagbungad ng liwanag ng sikat ng araw sa aking mga matang di maipinta ang sinasabi ay siya namang pagbigay ng aking katawan..katabi ang iba pang mga lango sa alkohol ay pinilit kong mahimbing sa malamig na sahig at pagbigyan ang ulo kong masakit na magpahinga kahit sandali..



Leave a Comment